Billy Crawford, Naging Emosyunal Nang Madatnan Niyang Ganito Si Coleen Garcia Sa Kanilang Bahay

Ibinahagi ng TV host at aktor na si Billy Crawford ang nakakaantig tagpo na bumungad sa kaniya noong siya ay umuwi ng kanilang bahay. Kaakibat ng maiksing video na ini-upload niya sa kaniyang Instagram account ay ang matamis niyang pagbati para sa kaniyang asawa na si Coleen Garcia sa kanilang ikatlong anibersaryo bilang mag-asawa. Sa naturang video, makikita si Coleen na nakatulog na habang pinapadede ang kanilang anak na si Amari Jaden. Mababasa naman sa caption ng kaniyang post ang nakakakilig na mensahe ng TV host para sa asawa na si Coleen na pinuri niya dahil isa umano itong mabuting asawa at amazing na ina sa kanilang pamilya. Saad ni Billy, "Happy happy 3rd anniversary my love! Seeing you walk down the isle was so beautiful. But coming home to this and seeing you become an amazing mom but even a better wife, now that’s pure beauty!"